Globe pangungunahan ang National Best Friend’s Day

MANILA, Philippines - Bilang digital brand para sa mga kabataan, dadalhin ng Globe Telecom ang National Best Friend’s Day sa Pilipinas ngayong Linggo, Hunyo 8, kasabay ng paglulunsad sa bago nitong promo na GoUNLI20 para sa prepaid subscribers.

“We are excited to offer to our prepaid customers our newest calling and surfing combo GoUNLI20 which allows them to keep in touch with their best friends at a price that’s within their easy reach. We understand that calling makes conversations more meaningful and personal, so we give them a promo that enriches their relationships anytime, anywhere. A real friend calls and with GoUNLI20, we give everyone the opportunity to be a real friend by calling all you want to make your presence felt all the time,” pahayag ni Issa Cabreira, VP for Globe Prepaid Business.

Ang GoUNLI20 ay isang all-in-one prepaid promo na tamang-tama para sa mga matalik na magkaibigan upang manatiling may komunikasyon sa isa’t isa sa abot-kayang halaga. Sa halagang P20 kada araw, ang mga Globe customer ay magkakaroon ng unlimited calls sa Globe/TM, 15MB ng surfing, at 20 texts sa lahat ng networks.

Ngayong araw, ipagdiriwang ng Globe ang araw ng pagkakaibigan sa pamamagitan ng National Best Friend’s Day, kung saan ang mga mag-best friend na bibisita sa SM North EDSA, SM Mall of Asia, SM Baguio, SM

Megamall, Ayala Fairview Terraces at Ayala Cebu ay makakasali sa mga kapana-panabik na aktibidad at magkakamit ng  freebies at premyo.

Ang mga Globe Prepaid customers ay makaka-avail din ng bagong GoUNLI20 nang libre ngayong National Best Friend’s Day.

 

Show comments