SSS members may 5% pension hike

MANILA, Philippines - Tatanggap ng five-percent across-the-board pension increase ang may 1.9 milyong SSS pensioners epektibo June 2014 bilang bahagi ng ahensiya na magbigay ng dagdag na benepisyo sa mga pensioners.

Ayon sa SSS, asahan na ng mga aktibong pensioners para sa retirement, death at disability ang dagdag na benepisyo sa kanilang bank account o pension checks.

Para mabigyan ng sapat na panahon ang kaila­ngang system adjustments, sinabi ni SSS Vice President for Benefits Administration Agnes San Jose na ang bagong across-the-board pension increase ay babayaran simula August 2014 kasama na rito ang dagdag na halaga para sa June at July.

 

Show comments