MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Pangulong Aquino ang selebrasyon ng ika-116 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 sa Naga City.
Ayon kay Deputy PreÂsidential spokesperson Abigail Valte, nakaugalian na ng Pangulo na umikot sa iba’t ibang lalawigan para sa pagdiriwang ng Independence Day simula ng maupo itong Presidente.
“The President will lead the Independence Day celebration on June 12 at ang venue po naman natin ay sa Naga City, kung hindi po ako nagkakamali. Kung napansin ninyo po mula ng umupo po ho ang PaÂngulong Aquino ay iniikot po natin ang ating mga celebrations ng Independence Day. Nagsimula po tayo sa Kawit (Cavite), tapos nagkaroon po tayo sa Tarlac,†ani Valte.
Pero hindi naman umano layunin ng PaÂngulo na mag-tour sa bansa sa Araw ng Kalayaan at nais nito na mabigyan ng pagpapahalaga ang mga bayan na nagkaroon ng “special significance†para maging malaya ang bansa.
Ang Pangulo ang maÂngunguna sa flag raising ceremony at babalik sa Maynila upang pangunahan naman ang tradisyunal na “Vin d’ Honneur†o wine of honor.