MANILA, Philippines - Walong ahente ng NaÂtional Bureau of InvesÂtigation ang inareso at ilang oras na nakulong kaÂmakailan sa presinto ng pulisya ng Lasam, Cagayan dahil sa mga kasong kidnapping, robbery at paglabag sa domecile.
Kinilala ang mga ahente na sina Levi Omar M. Orille; Joseph Eufemio F. Martinez; Jose Rommel Ramirez; Nelson Moreno; Ferdinand Manuel; Edgardo KaÂwada; Allan EleÂfante at Michelle Fernandez na pawang nakatalaga sa Maynila.
Sinasabi sa report ni Lasam Police Chief C/Insp. Gasmen Felix na inaresto sa Barangay Callao Norte ng Lasam ang waÂlong ahente ng NBI noong umaga ng Mayo 29 dahil sa reklamo laban sa kanila nina Isaac Agatep Jr., ama ni Lasam Councilor John Isaac Agatep III, at ng 11 pang katao.
Nauna rito, inaresto ng naturang mga NBI agent ang grupo ni AgaÂtep dahil sa paglabag umaÂno ng mga ito sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling).
Pero lumabag umano sa batas ang ginawang operasyon ng mga opeÂratiba ng NBI dahil wala silang koordinasyon sa lokal na pulisya, dinukot pa raw nila si Agatep Jr.. Ginipit din umano nila ang grupo nina Agatep at tinangay ang pera ng mga ito.
Ilang oras nakulong ang mga NBI agent pero pinalaya rin sila kinalaÂunan ng mga pulis matapos ibasura ng proseÂcutors office ng Lasam ang mga kaso laban sa kanila.
Samantala, nabatid sa ilang intelligence report na ilang miyembro ng NBI ang inaakusahang protektor umano ng illegal na sugal na pinamamahalaan ng isang big-time gambling lord sa ilang lalawigan kabilang ang Cagayan.
Pinaaaresto umano sa ilang miyembro ng NBI ng naturang big-time gambling lord ang kakumpetensiya nito sa illegal gambling nitong negosyo.