MANILA, Philippines — Walang nakikitang mali ang Malacañang sa pagkakaroon ni Budget secretary Florenco “Butch†Abad ng maraming kamag-anak na may puwesto sa gobyerno.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ngayong Lunes na hindi dapat maging basehan ang dami ng isang angkan sa gobyerno upang sabihing sila ang nagpapatakbo nito.
"The surname should not be a basis for saying they have too much power. I think their performance in government should be a gauge as whether they are an asset to the country and to the government," banggit ni Lacierda.
Kaugnay na balita: PNoy: Ebidensya muna bago sibak
Ang asawa ni Abad na si Henedin ang nakaupong kongresista ng Batanes, habang ang anak na si Julia ang namumuno sa Presidential Management Staff.
"These three Abads are good government officials. They have not been accused of wrongdoing," depensa pa ng tagapagsalita ng Pangulo.
Bukod sa kanyang asawa't anak, inilagay din ni Abad sa kanyang 2013 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), Abad ang limang pamangkin at dalawang pinsan na nasa serbisyong publiko.
Kaugnay na balita: Abad kumpiyansang tiwala pa rin si PNoy sa kanya
Sinabi ni Lacierda na maganda ang ginawa ni Abad na ideklara ang lahat ng kanyang kamag-anak sa ipinasang SALN.
"That shows compliance nga na inilahad nila lahat ng kanilang mga kamag-anak sa gobyerno," Lacierda added.
Isinabit si Abad ng itinuturonng utak sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles na siya umanong nagturo sa kanya kung paano patatakbuhin ang Priority Development Assistance Fund ng mga mambabatas.
Iginiit ni Abad ang kanyang pagkainosente sa mga paratang ni Napoles.