2 alkalde pabababain sa pwesto ng Comelec

MANILA, Philippines - Matapos ang pagpapatalsik sa puwesto kay Laguna Gov. ER Ejercito ng Commission on  Elections (Comelec), nanganganib ding pababain sa puwesto ang dalawang alkalde dahil sa diumano’y pamimili ng boto.

Kinilala ang dalawa na sina Norzagaray, Bulacan Mayor Alfredo Germar at si Benedict Calderon, alkalde ng Roxas, Isabela. Una nang dinis-qualify ng Comelec First Division si Calderon ngunit naghain ito ng motion for reconsideration.

Ani Brillantes, bago magtapos ang Hunyo ay makapagbababa na ng desisyon ang Comelec en banc.

Matatandaang si Ejercito ay dinisqualify dahil sa overspending noong nakaraang eleksyon.

 

Show comments