Libel vs PNoy minaliit

MANILA, Philippines - Minaliit ng Palasyo ang isinampang libel case ni dating TESDA chief Augusto Syjuco Jr. laban kay Pangulong Aquino.

Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr., mayroong immunity from suit ang pangulo sa anumang kaso habang nasa posisyon pa ito.

Aniya, matutugunan lamang ng korte ang isinampang libel case ni Syjuco laban kay PNoy kapag bumaba na ito sa pagiging pangulo sa 2016.

“The President is immune from suit and the period to file the case has already lapsed,” wika pa ni Coloma.

Huwebes nang ihain ni Syjuco ang siyam na pahinang affidavit nito sa Office of the Ombudsman dahil inakusahan umano siya ng pangulo ng overpricing sa pagbili ng training materials noong siya pa ang nakaupo sa pwesto noong administrasyong Arroyo.

 

Show comments