MANILA, Philippines - Hiniling ng isang mambabatas sa House of Representatives na mag-utos ng imbestigasyon para sa plano ng Social Security System (SSS) at ng Philippine Insurance Corp. (PhilHealth) na magtaas ng sisingiling buwanang kontribusyon sa mga miyembro.
"The premium contribution hikes of SSS and PhilHealth will definitely add to the burden of Filipino workers and come at a time when the prices of basic prices of commodities and utilities are also on the rise," ani Kabataan partylist Rep. Terry Ridon sa pagpapasa niya ng House Resolution 777.
Naniniwala is Ridon na hindi totoong nalulugi ang dalawang ahensya dahil ang mga opisyal mismo ng mga ito ay nakatanggap ng milyung pisong halaga ng mga bonus noong 2012.
Nauna nang napabalita na umaabot sa P276 milyon ang inabot ng halaga ng mga bonus ng opisyales ng SSS habang umabot naman sa P1.8 bilyon ang natanggap na bonus ng mga opisyal ng PhilHealth.
Noong Abril 19, 2013, inilabas ng SSS ng Resolution 262 upang taasan ang kontribusyon ng mga miyembro nito mula 10.4 poryento sa 11 porsyento at ang monthly salary credit mula P15,000 sa P16,000.
Ang naturang resolusyon ay pinirmahan ni Pangulong Arroyo noong Setyembre 19 ng parehong taon.
Ayon sa naturang resolusyon, dapat ay maghati ang may-ari ng kumpanya at mga empleyado sa pagbabayad ng anim na porsyentong increase.
Sinabi ni Ridon na aabot na sa P368 bilyon ang assets ng SSS at ang net income nito ay lumaki mula P25.25 bilyon noong 2011 sa P36.2 bilyon noong 2012.
Ang PhilHealth naman naman ay makakakulekta ng 2.5 porsyento na increase mula sa mga miyembro nito.
Sa bagong contribution scheme ng PhilHealth, ang mga miyembrong may buwanang sahod na P25,000 ay magbabayad ng premium rate na P2,400 kada taon. Ang mga miyembro naman na may P9,000 pabababa na buwanang sahod ay kakaltasan ng P200 kada buwan.
"Despite the government's heavy investment in PhilHealth and the higher contribution rates set to be implemented, PhilHealth has not assured its members that they will be safeguarded from out-of pocket cost when they avail of medical care in hospitals," ani Ridon.