MANILA, Philippines - Kanya-kanyang tanggi at depensa kahapon ang mga senador na nabanggit sa affidavit ni Janet Lim-Napoles na diumano’y nakatanggap ng milyon-milyong pera mula sa itinuturong utak ng pork barrel fund scam.
Agad na pinabulaanan ni Sen. Chiz Escudero na nabigyan siya ni Napoles ng pondo noong 2010 para gamitin sa eleksiyon.
“Hindi totoo, nadeny ko na yan nong una pa, to begin with sabi nya 2010 daw yon, nong 2010 naÂngangampanya na ko para sa NoyBi, ni hindi ako kandidato at nauna pa a few months before, nong 2009, dinenay ko na yung mga balitang tatakbo ako sa eleksyon ng 2010,†paliwanag ni Escudero.
Sinabi naman ni Sen. Bongbong Marcos na mismong ang affidavit na ni Napoles ang nagsasabing kahit isang beses ay hindi niya ito naka-meeting at kahit isang beses ay hindi siya nagkaroon dito ng transksiyon.
Tinawag namang “political persecution masquerading as search for truth†ni Sen. Cynthia Villar ang pagkakasama ng pangalan niya sa listahan at maging ng asawang si dating Senator Manny Villar.
Muling itinanggi ni Villar na kakilala niya si Napoles at hindi rin umano siya nagkaroon ng kahit anong transaksiyon dito.
Malakas naman ang paniniwala ni Sen. Loren Legarda na isang smear campaign o paninira lamang ang pagdadawit sa kanya sa pork barrel scam.
Kahit kelan anya ay hindi siya nag-endorso ng anumang non-gov’t organization para paglaanan ng kanyang Priority DeveÂlopment Assistance Fund kaya anumang pahayag ukol dito ay kasinungaliÂngan at dapat maharap sa kasong kriminal.
Nagbanta naman si Sen. Koko Pimentel na magsasampa ng kasong libel laban kay Napoles dahil sa ginawang pagdawit sa kanyang pangalan sa pork scam.