MANILA, Philippines - Sisiyasatin ng Department of Health ang pinanggaÂlingan ng kontaminadong supply ng tubig sa Alamada, North Cotabato na dahilan ng cholera outbreak sa ilang barangay duon. Ito’y makaraang matuklasan ng mga eksperto mula sa DOH na ang pinanggalingan ng cholera ay ang suplay ng tubig dahil sa substandard na tubo o plastic pipe na ginagamit sa distribusyon ng tubig sa lugar.
Nabatid din na ang mga alagang hayop sa lugar ay itinatali malapit sa mga butas na tubo na maaaring dahilan din ng kontaminasyon. Nagpadala na ng medical team ang DOH mula sa San Lazaro Hospital at mga toxicologist para tumulong sa pagkontrol ng sakit.
Sa datos ng DOH, umaabot na sa siyam na mga residente sa Alamada ang namatay dahil sa cholera.
Ang cholera ay sanhi ng bacteria na mula sa tubig na kontaminado ng dumi ng hayop at tao.