1 pang pork scam whistle blower kumalas kay Baligod

MANILA, Philippines - Binitawan na rin ng isa pang whistleblower sa P10 billion pork barrel scam si Atty. Levito Baligod bilang legal counsel.

Nakasaad sa isang pahinang sulat ng testigong si Merlina Suñas na itutuloy niya ang kanyang si­nimulang laban kahit wala na ang serbisyo ni Baligod.

Wala namang sinabi si Suñas na dahilan kung bakit niya tinapos ang serbisyo ni Baligod.

Gayunman, nagpasalamat ito kay Baligod sa suporta sa kabila ng kanilang mabigat na laban.

Hangad din umano ni Suñas ang lahat para sa personal at professional life ni Baligod.

“With deepest gratitude for our friendship, I formally release you from your obligation to litigate on my behalf and to represent me as my legal counsel effective today, 23 May 2014,”  nakasaad sa liham ni Suñas.

Nitong Marso ay kumalas din kay Baligod ang pa­ngunahing whistleblower sa pork scam na si Benhuy Luy bilang kanyang legal counsel dahil na rin umano sa pagiging busy ng abogado sa iba pang adhikain.

Inamin naman ito ni Baligod dahil nakatutok siya sa iba pang witnesses lalo pa’t maraming mambabatas ang sangkot sa pork barrel at Malampaya fund scams.

 

Show comments