JV kay Jinggoy: “Just call my name I’ll be there” Sagot naman ni Jinggoy: “Walk away”

MANILA, Philippines - Idinaan sa kanta ng magkapatid na sina Senators Joseph Victor “JV” Ejercito at Jose “Jinggoy” Estrada ang kanilang mensahe sa isa’t isa kaugnay sa pork barrel fund scam.

Sa magkahiwalay na panayam, unang sinabi ni Ejercito para sa kapatid na maging matatag at “just call my name and I’ll be there” dahil isa ito sa tatlong senador na inaasahang makukulong dahil sa kasong plunder.

Sinabi ni Ejercito na bilang miyembro ng pamilya hindi niya gusto ang nangyayari sa kanyang kapatid sa ama na nahaharap sa kaso dahil sa pork barrel fund scam.

Pinayuhan pa ni Ejercito ang kapatid na maging matatag para sa kanyang pamilya na hindi naman umano niya pababayaan sakaling makulong ito.

Pero aminado si Ejercito na mas nagkaroon ng lamat ang relasyon nila ni Jinggoy ng pumirma siya sa report ng Senate Blue Ribbon Committee na nagre-rekomenda na sampahan ito ng plunder kasama sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile at Ramon “Bong” Revilla Jr.

Sa panayam naman sa telepono, idinaan ni Estrada sa kanta ni Matt Monroe ang sagot kay Ejercito.

 â€œWalk away, please go before you throw your life away,”kanta ni Estrada sa telepono.

Pabiro pang sinabi ni Estrada na, “lumayas ka sa harapan ko”.

Nais ring iparating ni Estrada sa kapatid sa ama na dapat maging “sincere” ito sa kanyang mga pahayag.

 

Show comments