MANILA, Philippines - Hinamon ng Malacañang si Sandra Cam na patunayan nito ang kanyang akusasyon na nasuhulan ang DOJ at NBI ng P150 milyon ng tinuturong utak ng P10 bilyong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles kapalit ng pagbasura sa illegal detention charges sa kanya na isinampa ng whistleblower na si Benhur Luy.
Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., dapat ay may sapat na ebidensiya si Cam kaugnay ng naging akusasyon nito laban sa Department of Justice at National Bureau of Investigation.
“Kailangang may kaalibat na kongkretong ebidensyang papasa sa pamantayan ng hukuman para maging karapat dapat pag ukulan ng pansin at panahon ng pamahalaan,†wika pa ni Sec. Coloma.
Inakusahan ni Cam ang DOJ at NBI na tumanggap ng P150 milÂyong suhol mula kayNapoles kapalit ng pagbasura sa kasong illegal detention na isinampa ni Luy.
Iginiit pa ni Cam na tumanggap din ng P30 milÂyon si dating NBI director Nonatus Rojas sa isang lunch meeÂting nito kay Atty. Alfredo Villamor, Plaridel Bohol at Napoles noong Mayo 23.
“Iba dun pinaghati-hatian sa DOJ...huwag mong sabihin dito na walang kinalaman dito si Secretary de Lima,†wika pa ni Cam sa isang media forum kamakalawa.
“Ang dismissal ng kaso ay hindi lang po manggagaling sa proÂsecutor pero mismo sa Secretary of Justice,†paliwanag pa ng pangulo ng whistleblower group.
Nanawagan din si Cam ng pagbibitiw sa puwesto ni Sec. Leila de Lima sa Department of Justice (DOJ) dahil sa isyu.
Wika pa ni de Lima, gusto lamang sirain ni Cam ang kanyang pangalan at imahe ng NBI.
Samantala, iginiit ni Sec. de Lima na paninira lamang ni Cam ang ipinagkakalat nitong suhol sa DOJ at NBI.