MANILA, Philippines - Nakatakdang hilingin ng abogado ni Janet Lim Napoles sa Makati City Regional Trial Court na manatili ito ng mas matagal sa Ospital ng Makati (OsMak) makaraang muÂling magdugo umano ang sugat nito buhat sa operasÂyon sa kanyang matris.
Sinabi ng abogado ni Napoles na si Bruce Rivera na may tatlong araw na ang pagdurugo ngunit sinabi lamang ito sa kanya kamakailan lang. Akala umano ng kanyang kliÂyente ay normal lamang ang pagdurugo kaya ipinagwalang-bahala ito.
Nabigla naman umano ang kanilang kampo nang isailalim sa check-up ng mga mangagamot si Napoles kamakalawa ng gabi. Sinabi ng mga doktor na hindi normal ang pagdurugo dahil tinanggalan na siya ng matris.
Agad namang pinayuhan si Napoles ng kanyang mga doktor ng “complete bed rest†kaya nakatakda silang magsampa ng mosyon sa korte para manatili pa sa pagamutan dahil sa isyu ng kaligtasan ng kanyang kliyente.
Kinumpirma naman ito ni Dr. Efren Domingo na nagsabing Mayo 17 pa nag-umpisa ang pagdurugo na maaaring ang dahilan ay ang pagbigay ng “vaginal wall†at posible rin na mabagal ang paghilom ng sugat nito dahil sa sakit nitong diabetes.
Nitong Martes, ibinasura ni Judge Elmo AlaÂmeda ng Makati RTC Branch 150 ang mosyon ni Napoles na manatili pa sa pagamutan dahil magbibigay pa raw ito ng dagdag na testimonya ukol sa kaso sa pork barrel.
Pero sinabi ng korte na ang kaso sa serious illegal detention ang kanilang dinidinig at hindi ang tungkol sa pork barrel.
Na-confine sa OsMak si Napoles noong Marso 31 at sumailalim sa operasÂyon nitong Abril 23 upang tanggalin ang namuong cyst o bukol sa kanyang obaryo at uterus.
Sa mga nakaraang pagdinig, nag-isyu na ang mga mangagamot ni Napoles ng discharged order makaraan ang operasyon.