China lumabag sa kasunduan - PNoy

MANILA, Philippines — Lumabag sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) ang bansang Tsina sa ginawang reclamation project sa pinag-aagawang teritoryo, ayon mismo kay Pangulong Benigno Aquino III.

Tinukoy ni Aquino ang ikalimang probisyon ng DOC kung saan nakasaad na “China and members of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) should exercise 'self-restraint' in the conduct of activities that would complicate or escalate disputes and affect peace and stability."

"So meron ditong provision parang pinag-uusapan nga na hindi kayo mag-iintroduce ng mga bagong facilities. Walang changes until matapos nga yung territorial disputes," wika ng Pangulo.

Kaugnay na balita: 'Pinas pumalag sa reclamation ng China sa Spratlys

"Sa aking pananaw, 'yung ginawa sa Mischief Reef noong araw, 'yung ginagawa ngayon, lahat ng ito ay parang seemingly violation nung pinagkasunduan na Declaration on Conduct," dagdag niya.

Binuo ang DOC noong 2002 nang hindi magkasundo ang mga miyembro ng ASEAN at China sa pagbubuo ng Code of Conduct sa pinag-aagawang teritoryo.

Nitong nakaraang linggo ay sinabi ng Department of Foreign Affairs na nagprotesta sila sa reclamation ng China sa pinag-aagawang Mabini Reef.

Show comments