MANILA, Philippines - Ipinauubaya ng MaÂlacañang kay rehabilitation czar Panfilo “Ping†Lacson ang pagsagot sa panawagan na dapat magbitiw na ito sa posisÂyon dahil wala naman umanong nagagawa at mas napagtutuunan pa ng pansin ang pork barrel fund scam kaysa sa tulungan ang mga biktima ng bagyong Yolanda.
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ipauubaya nila kay Lacson ang pagsagot sa nasabing isyu na pagpapa-resign sa puwesto.
“I’m quite sure that Secretary Lacson will have something to say about that,†sabi ni Valte.
Isang grupo ng mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Samar ang nagsabi na wala pa ring nagagawa si Lacson siÂmula ng maupo ito bilang rehabilitation czar.
Sinabi ni Valte na hindi makatarungan ang paÂnawagan laban kay Lacson lalo pa’t iginugugol nito halos buong oras niya sa mga biktima ni Yolanda.
“You know, from what I understand si Secretary Ping eats Yolanda plans for breakfast, lunch and dinner, according to him, and I understand that they just had one of their assessment meetings with the President,†sabi ni Valte.
Hindi anya tama na isiping walang ginagawa si Lacson dahil nagbigay lamang ito ng kanyang statement tungkol sa isang isyu partikular ang pork barrel fund scam.
“You know, I think, just because merong particular statement si Secretary Lacson sa isang isyu na pinag-uusapan, hindi naman po siguro ibig sabihin hindi na ho niya ginagawa ‘yung iba ho niyang tungkulin pa,†ani Valte.