MANILA, Philippines - Isasapinal na ng Mutual Defense Board (MDB) ang tatlong lugar na inirekomendang gamiting access ng tropang Kano sa bansa kaugnay ng nilagdaang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ito ang nilinaw kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista sa nasabing isyu.
Kabilang sa nasabing mga lugar ay sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija; San Miguel, Bulacan at Oyster Bay , Palawan.
Sinabi ni Bautista, sa kasalukuyan under-deveÂloped pa ang Oyster Bay at kailangan nila itong kumpunihin para sa mga sundalong mag iistasyon sa lugar.
Nabatid na ang Oyster Bay ay may layong 160 km (100 miles) mula sa disputed Spratly islands kung saan nagsasagawa ng reclamation ang China partikular sa Johnson South Reef (Mabini Reef).
Ayon kay Bautista, nakatakdang magpulong ang MDB sa darating na buwan ng Setyembre at Oktubre kung saan tatalakayin at pagtitibayin ang mga lugar na puwedeng gamiting access ng tropang Kano.