Anak ni Ka Roger ililipat sa PGH

MANILA, Philippines - Dahil kabuwanan na, pinayagan ng Taguig City Regional Trial Court na madala sa ospital ang buntis na anak ng yumaong lider ng New People’s Army (NPA) na si Ka Roger Rosal.

Nabatid sa Taguig RTC, Branch 266 anumang oras ay mag-iisyu ng court order si Judge Toribio Ilao upang mailipat ang 31-anyos na si Andrea Rosal sa Philippine General Hospital (PGH) dahil kabuwanan na nito.

Subalit, ibinalik muna si Andrea sa kulungan nito sa Camp Bagong Diwa, Taguig habang hinihintay ang written court order mula sa PNP na ilipat ito sa naturang ospital.

Nitong Marso ay nada­kip si Andrea sa Caloocan, na sinasabing isa sa mataas na lider ng NPA na may kinakaharap na kasong kidnapping at murder. 

Ikinatuwa naman ng grupong Karapatan Sou­thern Tagalog ang pagpabor  ng korte sa urgent motion for hospitalization ni Andrea.

Dahil kapag aniya nagsasagawa sila ng kilos protesta para ipakita ang suporta rito, bumibiyahe pa ang naturang grupo mula Laguna.

 

Show comments