MANILA, Philippines - Ibinigay na kahapon kay Sen. Teofisto GuinÂgona, chairman ng SeÂnate Blue Ribbon Committee ang ‘Napolist’ na hawak ni rehabilitation czar Panfilo ‘Ping’ Lacson.
Kaagad naman ibiniÂgay sa mga mamamahayag ang nasabing lisÂtahan kung saan umabot sa 99 na katao ang sinasabing nakinabang sa pork barrel fund scam kasama ang 10 miyembro ng Senado.
Kabilang sa listahan sina Sens. Jose “Jinggoy†Estrada, Juan Ponce Enrile, Ramon ‘Bong’ Revilla, Vicente “Tito†Sotto, Loren Legarda, Aquilino “Koko†Pimentel, Alan Peter Cayetano, Grigorio Honasan, Francis “Chiz†Escudero, at JV Ejercito.
Ang pangalan ni Sen. Ejercito ay kasama sa listahan sa hanay ng 69 ng mga kasalukuyan at dating congressmen na sinasabing nakinabang sa kanilang Priority DeveÂlopment Assistance Fund (PDAF).
Kasama rin ang paÂngalan nina dating Sens. Manny Villar at namayapang si dating senador Robert Barbers sa mga diumano’y nagkaroon din ng transaksiyon sa itinuturong utak ng pork barrel fund scam na si Janet Lim Napoles.
Nakinabang din umano sa kanyang PDAF ang bayaw ni Rep. Gloria Arroyo na si dating Rep. Iggy Arroyo na namayapa na. Kabilang din sa hanay ng mga congressmen si Rep. Mikey Arroyo.
Ipinagtataka naman ng miyembro ng media kung bakit hindi kasama sa listahan si Senator MiÂriam Defensor-Santiago na nauna ng pinangalanan ni Lacson sa isang panayam sa telebisyon.
Kabilang din sa sinasabing nakinabang ang mga dating mambabatas sa Kamara pero may iba ng posisyon sa gobyerno tulad nina Budget Secretary Florencio Abad TESDA director Joel Villanueva at Agriculture Secretary Proseso “Procy†Alcala.
Umabot sa 30 pahina ang affidavit ni Napoles na unang ibinigay kay Lacson pero wala itong lagda.
Nasa hanay naman ng mga agents o naging ahente ng PDAF sina Ruby Tuason, Bryan Yamsuan, Jen Corpuz, Matt Ranillo, Pauline Labayen, Catherine Mae “Maya†Santos, Patricia “Gay†Agana Tan, Alen Ruste, at Mon Arcenas.
Bukod kay Alcala, kasama rin sa DA sina Ofelia Agawin at Allan Umali; sa Department of Agrarian Reform, sina Teresita Panlilio at Narciso Nieto; NDLC, Alexis Sevidal; TRC, Antonio Ortiz at Dennis Cunanan; NABBOR, Rhodora Mendoza at Antonio Ortiz.
Sa hanay ng 69 miÂyemÂbro ng Kamara, kaÂsaÂma sina Jesus Judin Romualdo, Banzai Nieva, Maite Defensor, Isidro Ungab, Reynaldo Umali, Salacnib Baterina, Victor Ortega, Rolex Suplico, Hussein Pangandaman, Nasser Pangandaman, Jesnar Falcon, Benasing Macarambom jr., Marcelino Libanan, Ernesto Pablo, Abdullah Dimaporo, Juaquin Chipeco, Narciso Monfort, Corazon Malanyaon, Isidro Real, Peter Falcon, Manuel Ortega, Clavel Martinez, Constantino Jaraula.