Lacson ayaw patulan ang 'baliw' na si Sen. Miriam

Senador Miriam Defensor-Santiago. File photo

MANILA, Philippines – Matapos sabihang “bisexual” at magpapa-sex change ni Senador Miriam Defensor-Santiago ang rehabilitation czar na si Panfilo Lacson, sinabi ng dating senador na wala siyang balak patulan ang isang “baliw.”

“A highschool classmate who is now a psychiatrist once advised me never react to an insane person. It could be infectious,” pahayag ni Lacson ayon sa ulat ng dzBB.

Isiniwalat ni Lacson kagabi na kabilang si Santiago sa hawak niyang listahan ng mga sangkot sa pork barrel scam. Nagmula aniya ang listahan sa asawa ng itinuturong mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Kaugnay na balita: Miriam kay Lacson: bisexual, magpapa-sex change!

Pinabulaanan ito ni Santiago na naniniwalang sinisiraan lamang siya ni Lacson na tinawag niyang bisexual.

“Anyway, for the nth time, I am not gay. No offense to all the gays in the world, but I do not intend to be one,” sagot ni Lacson.

Bukod kay Lacson, mayroon ding sariling listahan ang whistleblower na si Benhur Luy na mas pinaniniwalaan ni Santiago.

Kaugnay na balita: Umano'y listahan ng mga sangkot sa pork scam kumakalat

“I hope she gets the Benhur list soon so she will get the biggest surprise of her adult life. I can only imagine how she will feel,” banggit ng dating senador.

“It is like being slapped with 10 kilos of pork. It's amazing how a crusading crook can pretend to be at the forefront of the fight against the pork barrel scam system with such an arsenal of hypocrisy.”

Kaugnay na balita: 4 senador, 1 kalihim sa pork scam pinangalanan ni Lacson

Show comments