Serbisyo sa PCSO tuloy kahit nagbitiw si Juico

MANILA, Philippines - Siniguro ni PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II na tuloy ang pagbibigay ng serbisyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office kahit nagbitiw sa kanyang puwesto si chairperson Margie Juico kamakailan.

Sinabi ni Rojas na acting chairman ng PCSO matapos magbitiw si Ms. Juico, tuloy-tuloy pa din ang pagbibigay ng tulong at serbisyo ng PCSO sa taumbayan.

Si Rojas din ang vice-chairman ng PCSO board at acting chairman habang wala pang napipili na kapalit ng nagbitiw na PCSO chairperson.

Pinasalamatan din ni Rojas si Ms. Juico sa mga repormang ipinatupad nito sa PCSO sa ginawang flag raising ceremony kahapon ng umaga.

Lilipat naman sa Sun Plaza building sa Shaw Blvd. sa Mandaluyong City ang PCSO dahil na rin sa gagawing renovation sa Philippine International Convention Center bilang paghahanda sa APEC Summit sa susunod na taon.

Wika pa ni Rojas, mananatili naman sa Lung Center of the Philippines ang Financial Assistance Division ng PCSO.

Aniya, plano din ng PCSO na magpatayo ng sarili nitong gusali sa property nito sa San Marcelino St., Manila sa 2016 0 2017.

 

Show comments