PCSO hindi pa inaalok kay Maliksi

MANILA, Philippines - Hindi pa iniaalok ni Pangulong Aquino kay dating Cavite Gov. Erineo “Ayong” Maliksi ang chairmanship ng Philippine Charity Sweepstakes Office matapos magbitiw sa puwesto si dating chairman Margarita Juico. Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, wala pa silang natatanggap na impormasyon at dapat hintayin na lamang kung sino talaga ang itatalaga ng Pangulo sa PCSO bagaman at una ng lumutang ang pangalan ni Maliksi.

Tumanggi rin si Valte na kumpirmahin ang ulat na may mga susunod pang itatalaga ang Malacañang na mga dating kandidato ng administrasyon na natalo noong nakaraang eleksiyon.

Nauna rito, kumalat ang espekulasyon na may halong pulitika ang pagbibitiw sa puwesto ni Juico.

Show comments