Sundalo sa Aquino-Galman patay sa sagasa

MANILA, Philippines - Binawian na ng buhay ang isa sa 16 na sundalo na nahatulan sa kasong Aquino­-Galman double mur­­der case na naratay­ sa isang pagamutan noon pang Lunes matapos ma­sa­­gasaan habang nagbi­bisikleta sa Parañaque City.

Kinumpirma ni Dio­medes­ Martinez, pang-apat­ sa anim na anak ni Sgt. Pablo Martinez, 78, ang pagkamatay ng kanyang ama sa San Juan de Dios Hospital sanhi ng mga komplikasyon sa internal organ matapos siyang isugod rito nang mahagip ng isang Mitsu­bishi Montero sa Macapagal Boulevard, Pasay City.

Ayon kay Diomedes, mula nang bigyan ng ka­pa­­tawaran ni dating pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Disyem­bre ng taong 2007 ang kanyang ama, nakauga­lian na nito na magbisi­kleta tuwing umaga mula sa Villamor Air Base hang­gang Mall of Asia.

Napag-alaman na habang nagbibisikleta, na­­hagip si Martinez ng SUV at nakaladkad pa ng ilang metro kaya’t isinugod siya sa naturang pagamutan subalit nasawi rin maka­raan ang dalawang araw.

Pumayag na sila sa alok na pakikipag-areglo ng driver ng SUV matapos na mangako itong sa­sagutin ang gastusin sa pagamutan, pati na ang pagpapalibing.

Matatandaan na si Sgt. Martinez ang nagturo kay dating Ambassador Eduardo “Danding” Cojuangco na umano’y siyang utak sa pagpaslang kay dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., ang ama ni Pangulong Noynoy Aquino­.

 

Show comments