MANILA, Philippines - Kahit may desisyon na ang mga doctor at korte sa discharge order ng tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles hindi pa rin ito makakalabas ng Ospital ng Makati (OSMAK) hanggat hindi pa ito nakakabayad ng kanyang bill.
Nabatid na nasa P90,000 na ang bill ni Napoles at kailangang bayaran muna niya ito para makalabas na ito at mailipat na sa kulungan nito sa Fort Santo Domingo, Santa Rosa, Laguna.
Napag-alaman na humirit pa rin si Napoles na mapalawig pa ang kanyang pananatili sa OSMAK.
Ito ay base sa anim na pahinang motion na inihain ng kampo nito sa Makati City Regional Trial Court, Branch 150 sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Fay Isaguirre Singson.
Sa kabila ito ng clearance na ibinigay ng mga doktor ni Napoles na maari na itong i-discharge dahil “fully recovered†na ito.
Ngunit sa mosyon, iginiit na kailangan pang manatili sa pagamutan si Napoles hanggang sa matapos ang serye ng eksaminasyon at check-up sa kanya.
Nakasaad pa sa motion na kailangan ang complete bed rest ni Napoles upang magkaroon ito ng full recovery at ang lugar ay dapat hygienic, sterile at sanitary na conducive umano para sa isang post-surgery patient.
Itinakda ng korte ang pagdinig ng mosyon sa Mayo14.