MANILA, Philippines - Nanumpa na kahapon si dating Sen. Kiko Pangilinan bilang presidential assistant for food security and agricultural modernization kay Pangulong Benigno Aquino III sa Malacañang.
Kasabay nito ay inilabas din ng Malacañang ang Executive Order no. 175 kung saan ay inililipat sa Office of the President (OP) ang pamamahala sa National Food Authority (NFA), National Irrigation Administration (NIA), Philippine Coconut Authority (PCA) at Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) na mga attached agencies ng Department of Agriculture.
Nagpalabas din ng Memorandum Order no. 70 ang Office of the President kung saan ay itinalaga si Sec. Pangilinan bilang presidential assistant for food security and agricultural modernization na may Cabinet rank.
Bukod sa oversight function ni Sec. Pangilinan sa 4 na dating DA attached agencies ay inatasan din ng Pangulo na bantayan din nito ang National Convergence Initiative (NCI).
Iniutos din ng Pangulo sa DA, DAR, DENR, NFA, NIA, PCA at FPA na makipagtulungan sa bagong tanggapan ni Sec. Pangilinan.