MANILA, Philippines – Kahit retokado na ang mukha, bigong matakasan ng asawa ng itinuturong utak ng bilyun-bilyong scam na si Manuel Amalilio ang mga awtoridad nang madakip siya sa probinsiya ng Pampanga.
Ayon sa ulat ng dzMM, matapos ang mahigit isang taong pagtatago ay nadakip sa bisa ng arrest warrant si Abigail Pendulas at isang “May Ojales†sa San Fernando, Pampanga.
Ginamit ni Pendulas ang alyas na Azia De Guzman y Conciliado, dagdag ng ulat.
Nahaharap sa kasong syndicated estafa si Pendulas dahil sa pagpapatakbo nila ni Amalilio ng Aman Futures.
Libu-libong katao mula Visayas at Mindanao ang naloko ng naturang scam noong 2012.
Kasalukuyang nakakulong sa Malaysia si Amalilio kung saan siya nadakip nitong nakaraang taon.