MANILA, Philippines – Tinatayang 9.6 milyong katao ang target ng Commission on Elections (Comelec) na makapagrehistro para sa darating na 2016 presidential elections.
Nagsimula ngayong Martes ang pagbubukas ng Comelec ng kanilang mga tanggapan upang asikasuhin ang mga nais bumoto sa susunod na election.
Sinabi ni Comelec chairman Sixto Brillantes na maaaring magparehistro ang publiko mula alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.
"Ngayon ang simula sa lahat ng munisipyo at lahat ng siyudad," pahayag ni Brillantes sa isang panayam sa radyo.
"May batas tayo, kapag hindi ka nakarehistro under the biometrics, hindi ka na makakaboto sa 2016."
Samantala, sinabi naman ng tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez na tatlong milyong bagong botante ang kanilang inaasahan.
“We are ready. In preparation for the resumption of the voters’ registration, the Comelec has gone all out to make sure that the process is convenient, that the sites for registration are accessible,†banggit ni Jimenez kahapon.
Ayon sa batas mula edad 18 pataas lamang ang maaaring makapagparehistro at makaboto para sa halalan.
Magtatapos ang pagpaparehistro sa Oktubre 31, 2015.