BIÑAN, Laguna , Philippines — Walang inanunsiyong wage increase si Pangulong Aquino para sa mangÂgagawa sa Labor Day.
Sa halip ay siniguro lamang nitong pagtutuunan ng kanyang adminisÂtrasyon ang job mismatch upang lalong maibaba ang unemployment rate sa bansa.
Ayon sa Pangulo, kabilang dito ang pagpapaibayo sa TESDA upang mapadami ang mga kuwalipikado sa semiconductor at eletronics sector gaya sa Laguna.
Ipinagmalaki rin niya ang ulat na 6 sa bawat 10 TESDA graduates ay pasok sa trabaho.
Target ni PNoy na maÂitaas ang three-percentage decrease sa unemployment rate sa bansa sa pamamagitan ng pagbuhos ng suporta sa labor sector.
Aminado ang PanguÂlong Aquino na ang yaman ng Pilipinas ay ang mga Pilipino o mga manggagawa sa bansa.