MANILA, Philippines – Nadakip na ngayong Sabado ang negosyanteng si Cedric Lee sa Oras, Eastern Samar kasunod nang pambubugbog sa TV host na si Vhong Navarro.
Nasakote si Lee kasama ang isa pang akusado na si Simeon Palma Raz bandang alas-11 ng umaga.
Nahaharap sa kasong grave coercion at serious illegal detention si Lee at iba pa niyang kasama dahil sa pananakit kay Navarro noong Enero 22 sa Forbeswood Heights Condominium sa Bonifacio Global City Taguig.
Kaugnay na balita: Walang piyansa: Arrest warrant vs Lee, Cornejo inilabas na
Walang piyansa ang kasong serious illegal detention na may kasama pang serious physical injuries.
Bukod kina Lee at Raz, dawit din sa kaso ang modelong si Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero at Sajed Fernandez Abuhijleh alyas “Jed Fernandez.â€
Kaugnay na balita: Suspek sa kaso ni Vhong nais maging witness
Nitong Lunes ay inilabas ni Judge Paz Esperansa Cortez ng Taguig Regional Trial Court Branch 271 ang arrest warrant para sa kasong serious illegal detention.0
Naunang naglabas ang Taguig Metropolitan Court Branch 74 ng arrest warrant para sa kasong grave coercion kung saan maaari silang makapagpiyansa sa halagang P12,000 noong Abril 11.
Kaugnay na balita: Vhong nagtataka sa arrest warrant vs Lee, Cornejo