MANILA, Philippines – Inilabas ng korte ngayong Lunes ang arrest warrant para sa kasong serious illegal detention laban sa grupo ng negosyanteng si Cedric Lee at modelong si Deniece Cornejo, ngunit para lamang sa limang tao lamang.
Sinabi ng abogado ni TV host Vhong Navarro na ikinagulat nila kung bakit limang arrest warrants lamang ang inilabas ni Judge Paz Esperansa Cortez ng Taguig Regional Trial Court Branch 271.
“We are still trying to find out why only five arrest warrants were issued. Even the clerk of court would not comment. What we are getting are all second-hand information,†wika ni Mallonga na nasa labas ng bansa ngayon.
Kaugnay na balita: Walang piyansa: Arrest warrant vs Lee, Cornejo inilabas na
Bukod kina Lee at Cornejo, pinaaaresto ng korte sina Simeon Palma Raz, Ferdinand Guerrero at Sajed Fernandez Abuhijleh alyas “Jed Fernandez.â€
Wala ang mga pangalan nina Bernice Lee at Jose Paolo Gregorio Calma sa mga pinaaresto.
Walang piyansa ang kasong serious illegal detention.
Sinabi pa ni Mallonga na maglalabas sila ng pahayag kapag nakakuha na sila ng paliwanag kung bakit lima lamang ang pinaaaresto.