MANILA, Philippines - Siniguro ng Malacañang na nakasentro sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos ang magiging pag-uusap nina Pangulong Aquino at bibisitang si US President Barack Obama sa darating na Abril 28-29.
“‘Yun pong darating na pag-uusap ni Pangulong Aquino at Pangulong Obama ay maaaring sumentro doon sa tinatawag na strategic partnership sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. At mahalagang bahagi ng pakikipag-ugnayang ito at kooperasyong ito ay nasa larangan ng defense at security,†wika ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr.
Bukod sa Pilipinas ay dadalawin din ni Obama ang Japan, South Korea at Malaysia sa kanyang Asian tour.
Siniguro rin ng Palasyo ang magiging seguridad ni Obama sa kanyang pagbisita sa bansa kung saan ay inilatag na ng PNP at AFP ang security measures sa bibisitang US president.