MANILA, Philippines - Todo higpit ang seguridad sa mga international terminals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para tutukan ng husto ang mga dumarating na mga pasahero kaugnay sa posibleng kaso ng Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS), matapos mapaulat na may dalawang OFW ang sinasabing namatay dahil sa sakit na ito.
Halos 24/7 ginagamit at nakatutok ang thermal scanner sa mga arriving passenger partikular ang mga galing Gitnang Silangan na minamanmanan ng mga miyembro ng airport medical staff sa pakikipag-ugnayan sa Department of Health para tugunan ang mga pasaherong may lagnat at maiwasan makapasok at mabigyan ng agaran lunas ang may MERS Coronavirus na galing sa nasabing lugar.
Ikinasa ang heighÂtened surveillance sa mga paÂliparan sa bansa para matiyak ang kaligtasan ng riding public.
Ayon sa impormasyon, maaring nagtataglay ng MERS Coronavirus ang pasahero na may sipon. nahihirapan huminga, lagnat, nagtatae, ubo at pneumonia kung galing ito sa Gitnang Silangan.
Sabi sa ulat, ang MERS Coronavirus ay maaring makuha sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing ng isang taong may sakit nito o kaya sa pamamagitan ng direct contact halimbawa ay pagkamay o lips-to-lips at paggamit ng mga utensil galing sa taong may sakit ay puede rin mahawa.
Upang makaiwas aniya sa virus, pinaalalahanan ni DOH Usec. Eric Tayag ang publiko na ugaliing maghugas ng kamay, iwasang humawak sa mukha upang hindi kumalat ang sakit.