MANILA, Philippines — Nakapagpiyansa na ngayong Martes ang isa sa mga akusado sa pambubugbog sa TV host na si Vhong Navarro.
Nagbayad ng piyansang P12,000 si Jed Fernandez sa Taguig Metropolitan Trial Court Branch 74 para sa kasong grave coercion na isinampa ni Navarro.
Isa si Fernandez sa mga inireklamo ng artista matapos umano siyang bugbugin sa loob ng Forbeswood Heights Condominium sa Taguig City noong Enero 22.
Kaugnay na balita: Arrest warrant vs Lee, Cornejo inilabas na
Dawit din sa kaso ang modelong si Deniece Cornejo at negosyanteng si Cedric Lee at iba pa nilang kasamahan.
Bukod sa grave coercion ay nahaharap din ang grupo ni Lee sa kasong serious illegal detention na walang piyansa.
Kahapon isa pa sa mga kasamahan din ni Fernandez na si Ferdinand Guerrero ang nagtangkang lumabas ng bansa ngunit hindi rin natuloy matapos harangin sa immigration counter ng Ninoy Aquino International Airport.
Kaugnay na balita: Akusado sa kaso ni Vhong sinubukang umalis ng Pinas