MANILA, Philippines - Nagdiwang ang mga Pilipino nang mabawi ng boxing hero ng bansa na si Manny Pacquiao ang kanyang WBO welterweight title laban sa Amerkanong si Timothy Bradley Jr . sa Las Vegas nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas).
“He’s back,†sabi ng isang local boxing analyst na nagbigay ng live blow by blow coverage ng 12-round title fight. “He’s on his way to regain his superstardom in the boxing arena,†ayon pa sa report ng wires.
Ang unanimous decision win nitong Sabado ang unang pagkatalo ng American fighter.
Binati naman ni PaÂngulong Aquino si Pacquiao na isa ring kongresista.
“Patunay lamang ang tagumpay na ito ni Manny na kung ibubuhos ng isang Pilipino ang kanyang buong puso sa anumang larangan, lahat ng pagkakadapa ay pansamantala, at lahat ng pagkakalugmok ay muling maibabangon,†ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte. Bibigyan anya ng hero’s welcome si Pacquiao pagbalik niya sa Pilipinas.
Walang tao halos sa mga kalsada sa Maynila bago at pagkatapos ng laban dahil nakatutok sa telebisyon ang mga Pilipino.
Sinabi ng pulisya na bumababa ang bilang ng mga krimen tuwing may laban si Pacquiao.
Matatandaan na noong Hunyo 2012, sinalubong ng ‘boo’ ng mga manonood sa Las Vegas ang pagkapanalo ni Bradley laban kay Pacquiao pagkatapos ideklara ang nakakagulat na split decision. Tinawag ng promoter na si Bob Arum kinalaunan ang mga hurado bilang “The Three Blind Miceâ€.
Samantala, sa pagbabalik ng sesyon ay plano ng Kamara na kilalanin ang tagumpay na binigay ni Pacman hindi lamang sa sarili kundi sa buong bansa.
Ayon kay House Speaker Sonny Belmonte Jr., lubos ang kasiyahan ng Kongreso dahil muli na namang pinatunayan ni Pacquiao ang pagiging hari ng ring.
Wika naman ni AFP spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, isang malaÂking karangalan sa ating bansa ang muling pagkapanalo ni Manny dahil ipinakita nito na ang bawat Filipino ay kayang bumaÂngon sa anumang pagkakadapa, tulad ng naganap sa bagyong Yolanda.
Pinag-aaralan umano ng military kung papaano nila bibigyan ng parangal si Pacman bilang Army reservist na may ranggong Lt. Colonel. (Dagdag ulat nina Gemma Garcia at Ricky Tulipat)