MANILA, Philippines - Sampung bandido ng Abu Sayyaf Group (ASG) at dalawang sundalo na ang napaslang habang 29 naman sa tropa ng pamahalaan ang nasugatan sa inilunsad na strike opeÂrations ng tropa ng militar laban sa grupo sa Basilan.
Ayon kay Capt. Jefferson Mamauag, spokesman ng Army’s 1st Infantry Division (ID), pito sa 10 Sayyaf ay mga tauhan ni Commander Furuji Indama na inilibing na ng grupo nitong Sabado ng umaga sa Brgy. Baguindan sa Ungkaya Pukan, Basilan.
Ang tatlo pang nasawi ay mula naman sa grupo ni Abu Sayyaf sub-commander Hamsa Sapantun na dalawa ay nakilalang sina Assi Kalitot at Basri Musa.
Sinabi ni Mamauag, nalagasan din ng dalawang sundalo ang tropa ng militar habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatan kabilang ang apat na nasa malubhang kalagayan.
Bandang alas-2:25 ng madaling araw kamakalawa ng makasagupa ng 3rd Scout Ranger Battalion at 18th Infantry Battalion sa ilalim ng Army’s 104th Infantry Brigade ang grupo ng mga bandido sa Sitio Pansul, Brgy. Silongkum, Tipo-Tipo, Basilan.
Nasundan ang bakbakan dakong alas-7:25 naman ng umaga ng maÂkasagupa ng mga sundalo ang nasa 60 Abu sa pamumuno nina Basir Kaguran, Nurhassan Jamiri at Isnilon Hapilon sa Brgy. Baguindan, Ungkaya Pukan.
Ibinulgar naman ng isang military officer sa Basilan na sumaklolo ang Moro Islamic LibeÂration Front (MILF) sa Abu SayÂyaf sa nasabing labanan kaya mula sa 60 ay tinatayang umabot sa 100 ang kanilang mga kalaban.
Sa katunayan, ayon dito kabilang sa nalagas sa mga kalaban na tinatayang aabot sa 10 o higit pa ay mga tauhan nina MILF Commander MaÂlista Malangka Sapaat, Hamsa Sapanton, Abbas Salong at Rashid Iklaman dahil mga kamag-anak ng mga ito ang mga bandidong Abu Sayyaf.
Tumagal ang bakbakan ng hanggang 6:30 ng gabi.
Patuloy naman ang crackdown operation ng militar sa ASG na sangkot sa serye ng kidnapping for ransom kabilang ang pagbihag kay Sabrina Voon Ikbala na pamangkin ni dating ARMM Police Director ret. P/Chief Supt. Sukarno Ikbala.