MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Senado ang panukalang “open high school†para sa mga nangangarap makapagtapos ng high school pero walang panahon upang pumunta sa eskuwelahan upang mag-aral.
Sa Senate Bill 2156 ni Senator Sonny Angara, binanggit na sa 2010 Annual Poverty Indicators Survey (APIS), ilang economic, geographic at time-bound factors ang kabilang sa mga dahilan kung bakit ayaw mag-aral ng mga kabataan lalo na sa high school.
Iniulat ng APIS na ang kawalan ng personal na interes at kawalan ng ganang magtrabaho at mahal na edukasyon ang pangunahing dahilan kung bakit ayaw mag-enroll ng nasa 6.24 milyong kabataan sa bansa.
Sinabi ni Angara na napakahalaga na maÂkapagtapos ng high school ang mga kabataan upang mas magkaroon sila ng oportunidad na umasenso sa buhay.
Sa Open High School Sytem o OHHS gagamitin ang mga alternatibong paraan katulad ng print, radio, television, at iba pang multi-media sa pag-aaral upang mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na matuto ng hindi na sumasailalim sa makalumang “classroom setupâ€.
Kung maÂging batas ito ay tatawaging “Open High School System Act†na hihikayat na mag-aral kahit hindi pumapasok sa eskuwelahan hindi lamang ang mga kabataan kundi maging ang mga matatandang nais matuto.