Korte ibinasura ang mosyon nina Lee, Cornejo

Lee at Deniece Cornejo

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Taguig Regional Trial Court (RTC) ngayong Biyernes ang motion for judicial determination of probable cause na inihain ng negosyanteng si Cedric Lee at modelong si Deniece Cornejo.

Nais sana nina Lee at Cornejo na harangin ng korte ang paglalabas ng arrest warrant laban sa kanila matapos makakita ng probable cause ang Department of Justice para ituloy ang kasong isinampa ni TV host Vhong Navarro.

Sinabi ng abogado nina Lee at Cornejo na si Howard Calleja na maghahain sila uli ng mosyon ngayong araw sa Taguig RTC Branch 271.

Ayon sa batas, walang piyansa ang kasong serious illegal detention.

Bukod kina Lee at Cornejo, dawit din sa kaparehong kaso sina Bernice Lee, Simeon "Zimmer" Raz, Jose Paolo Calma, Ferdinand Guerrero, at Jed Fernandez.

Noong Enero ay inupakan ng grupo ni Lee si Navarro sa isang condominium sa Taguig City matapos umanong gahasain ng artista si Cornejo.

 

Show comments