P250M Grand Lotto iuuwi ng nag-iisang winner

MANILA, Philippines – Isang taga lungsod ng Makati ang mag-uuwi ng P250 milyon na jackpot sa Grand Lotto 6/55 na binola kagabi.

Sinabi ni Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) general manager Jose Ferdinand Rojas na sa lotto outlet sa kalye ng Pio del Pilar tumaya ang tumama sa jackpot.

Lumabas ang kombinasyong, 39-21-42-28-05-27.

Kaugnay na balita: Napanaginipang numero nanalo sa lotto

Samantala, 25 katao naman ang nanalo ng P169,410 na second price, habang 2,700 katao naman ang makatatanggap ng P1,250 bilang third price.

Nitong Abril 1 lamang ay isang negosyante sa San Fernando Pampanga ang nanalo naman ng P63 milyon sa Super Lotto.

Tinayaan ng negosyante ang mga numerong 09-13-17-20-22-29 na napanaginipan lamang niya.

 

Show comments