Mag-asawang Tiamzon ‘di nagpasok ng plea

PNA leader

MANILA, Philippines – Binasahan ng sakdal ngayong Martes ang mga mag-asawang pinuno ng New People's Army (NPA) na sina Benito at Wilma Timazon ngunit tumangging maghain ng plea.

Nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention ang mag-asawa sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 81.

Sinubukan pa ng mga abogado ng mga Tiamzon na pigilan ang pagbabasa ng sakdal dahil sa umano’y kahapon lamang anila nalaman ang kaso ngunit hindi ito umubra kay Judge Madonna Echeverri.

Dahil sa hindi paghahain ng plea ng mag-asawa ay ang mismong korte na ang nagbigay ng not guilty plea para sa mga pinuno ng NPA.

Nakatakda ang pagdinig sa kaso ng mag-asawa sa Mayo 20.

Timbog ang mga Tiamzon noong Marso 22 sa Aloguinsan, Cebu.

May kinakaharap pang kasong 15 count of murder ang mag-asawa.

Sila ang itinuturong pumatay sa 15 sibilyan sa Inopacan noong 1985 kung saan noong 2006 lamang natagpuan ang mga bangkay.

Show comments