Solons pa sabit sa 3rd batch

MANILA, Philippines - May panibagong mga mambabatas na makakasuhan sa third batch ng kontrobersiyal na PDAF scam.

Sinabi ito ni de Lima matapos makipagpulong kina Justice Undersecretary Jose Justiniano, NBI Director Virgilio Mendez at NBI-Special Task Force Chief Assistant Regional Director Rolando Argabioso na siyang nakatutok sa imbestigasyon.

Kabilang sa naging basehan ng kaso para sa 3rd batch ng reklamo ay ang pondong inilaan gamit ang NGOs ni Janet Lim-Napoles.

Wala pang itinak­dang petsa ang DoJ para sa tuluyang pag­sampa ng kaso para sa third batch sa Office of the Ombudsman.

Show comments