BIR tutok din sa Pacquiao-Bradley fight

Representative Manny Pacquiao

MANILA, Philippines - Bukod sa fans ni boxing champ at Sarangani Rep. Manny Pacquiao ay tutok na rin ngayon ang Bureau of Internal Re­venue (BIR) sa laban ng una at ni Timothy Bradley sa April 13 sa US.

Ito ayon kay BIR  Commissioner Kim Henares ay para matiyak na magi­ging tama ang idedeklarang income ni Pacquiao sa kanyang laro sa boxing sa nabanggit na araw.

Ani Henares, umaasa siyang tapat na magbabayad si Pacman ng 32 percent share tax mula sa kanyang fight purse sa Las Vegas at isasama nito sa kanyang 2014 Income Tax Return ang kanyang kikitain sa Bradley rematch.

Una nang inanunsyo ni Top Rank chief executive Bob Arum na mayroong guaranteed $20 million na premyo si Pacquiao sa rematch nito kay Bradley.

Pinaalalahanan din ni Henares si Pacman na tiyaking documented ang mga buwis na babayaran nito sa Amerika upang hindi magkaproblema sa Pilipinas oras na singilin ito sa buwis sa ating bansa.

Show comments