MANILA, Philippines - Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na tinatrabaho na ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang bank accounts at assets nina Senators Juan Ponce Enrile, Ramon Revilla Jr. at Jinggoy Estrada.
Pero ayon kay de Lima, hindi niya maaaÂring ibulgar ang estratehiya at proseso ng AMLC para sa kinakaharap na kaso ng tatlong senador na sabit sa plunder at graft. TaÂnging sigurado lamang siya ay ang pagbawi sa assets ng mga ito na nasa ilalim ng Inter-Agency Graft CoordinaÂting Council (IAGCC).
Kamakailan ay inirekomenda ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft at plunder laban sa tatlong senador at mga personalidad na sabit sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
Nakakapagtaka umaÂÂno na nagkamal ng P172 milyon si Enrile, P242 million si Revilla at P183 million si Estrada na mula umano sa illegal kickbacks.
Pito rin umano ang kinasuhan kabilang na ang negosyanteng si Janet Lim Napoles na sentro ngayon ng corruption scandal dahil sa pork barrel funds gamit ang pekeng non-goÂvernment organizations (NGOs).
Nitong Huwebes ay naglabas ang Manila Regional Trial Court ng Asset Preservation Order (APO) na nagpapalawig sa pag-ipit sa mga bank accounts, sasakyan at iba pang ari-arian ni Napoles, kapatid na si Reynald Lim, asawang si Jaime at mga anak na sina James Christopher, Jeane Catherine, Jane Catherine at John Christian.
Saklaw din ng freeze order ang asset ng mga whistleblower na sina Benhur Luy, Arthur Luy, Gertrudes Luy, William Lim, Simonette Briones at Ruby Tuason.
Batay sa alegasyon sa petisyon ng AMLC, lumalabas na ang pinanggalingan ng kanilang mga bank deposit ay mula sa mga NGO na nakatanggap ng PDAF.