MANILA, Philippines - Umaabot sa 200 kabahayan ang ipinamigay ng SM Prime Holdings Inc., sa mga pamilyang naging biktima ng bagyong Yolanda noong nakaraang taon.
Pinasinayaan ang kauna-unahang SM Cares Village sa Bogo, Northern Cebu, para mabigyan ng bagong bahay ang 1,000 pamilya rito.
Ipinagmalaki nina ni SM Prime Holdings Inc., President Hans T. Sy, na mas mataas kaysa sa standard na materyales ng mga kabahayan ang mga nasabing bagong tayong kabahayan, sapat na para makatayo sa bagyong gaya ni Yolanda.
“We, from the private sector are more than willing to help and are already doing our share in helping the communities†ani pa ni Sy.
Ang mga opisyal naman ng local government dito ang magsusuri kung sinu-sinong pamilya ang mapalad na mabibigyan ng nasabing mga bahay.
Bilang pasasalamat naman ay kinakailangan magtanim ng 30-puno ng mga mangroves kada pamilya.
Ito ay para mabigyan muli ng rehabilitasyon ang mga lugar na nasira ng bagyong Yolanda.
Ayon din kay UNISDR Chief Ms. Margareta Wahlstrom dapat na pinangungunahan ng mga business sector ang pagbibigay ng rehabilitasyon sa mga nasasalantang lugar sa bansa.