MANILA, Philippines - Nagbabala ang Manila Police District (MPD) laban sa gumagalang taxi driver na tinaguriang ‘Boy Spray†na ang modus operandi ay pumik-ap ng solong pasaherong babae o lalaki na tatangayan ng mahalagang gamit at salapi, sa pamamagitan ng pag-iisprey ng kemikal sa loob ng taxi na may pampahilo.
Ang babala ng MPD ay kasunod ng pagdulog sa GeneÂral Assignment Section ni Jemimah Cristel Umengan, 19, estudyante at residente ng no. 1834 Donada St. Gil Puyat, Pasay City.
Sa reklamo ni Umengan, sakay siya ng taxi na may plakang TXD-102 noong Marso 28 (Biyernes) alas 6:30 ng hapon, kung saan siya nakaramdam ng pagkahilo sa chemical spray na ginamit ng driver nang siya ay pumasok sa taxi.Habang nasa erya pa lamang ng Malate ay nakita niyang may inisprey ang driver at nakaramdam siya ng hirap sa paghinga at medyo nahilo kaya hindi na nagtanong at agad nagdesisyong bababa ng taxi. Nang makababa ay mabilis umanong pinaharurot ng driver ang taxi palayo subalit nagawa namang kunin ng biktima ang plate number.
Ayon kay SPO2 John Cayetano,ng MPD-GAS, modus operandi umano ito ng mga kawatan na taxi driver una ay para manakawan ang biktima niya o di kaya ay mapagsamanÂtalahan.
Payo ng MPD, piliin ang sasakyang taxi, kunin ang plate number at body name at agad itext sa kaibigan, kaanak o kakilala para sa proteksiyon.