MANILA, Philippines - Nagbabala si Sen. Miriam Defensor-Santiago na ibubulgar niya ang mga kapwa niya Ilonggong pulitiko na mga corrupt.
Ginawa ni Sen. Santiago ang babala ng maging panauhin sa commencement exercises ng West Visayas State University sa lungsod ng Iloilo.
Sinabi ni Santiago, alam niya kung sino-sino ang mga magnanakaw na pulitiko sa lalawigan ng Iloilo.
Wala pa namang piÂnangalanan na mga pulitiko si Santiago na sinasabi n’yang corrupt pero ipinahiwatig na kung sino ang may malaking proyekto sa Iloilo ay siya ring may malaking kickback.
Nagbabala pa ito na kapag mabigyan nang pagkakataon na mag-deliver ng isa pang speech, isa-isa niyang pangaÂngalanan ang mga corrupt Ilongo officials.
Idinagdag pa ng mamÂbabatas, nagkamali yata siya sa kinuhang kurso kung saan kumuha pa siya ng doctorate degree sa ibang bansa na ang magiging papel lang pala niya ay ang pakikipaglaban sa mga magnanakaw na pulitiko.
Wika pa nito, sana ay nag-aral na lamang siya ng martial arts dahil ito ang kanyang kailangan sa ngayon.