Libreng financial wellness seminar idadaos ng BDO

MANILA, Philippines - Bilang pinakamalaking provider ng trust services sa Pilipinas at ang kasalukuyang nangunguna sa UITF business sa bansa, ang BDO Trust and Investments Group (BDO-Trust) ay kumikilala sa kahalagahan ng pagkakaroon ng accessible na investment solutions para sa nakakaraming mga Pilipino sa lahat ng antas ng lipunan.

Para sa taong ito, ang BDO-Trust ay magsasagawa ng kauna-unahan sa isang serye ng libreng personal lectures ng bihasang Registered Financial Planner (RFP) na si Efren Ll. Cruz na may kabuuang 25 taong karanasan sa finance industry. Siya ay ang Founder, Chairman at CEO ng Personal Finance Advisers Philippines Corporation. Siya ay kinilala bilang isa sa 12 Most Influential People in Personal Finance ng MoneySense Magazine nuong 2011 at siya ring may-akda ng dalawang best-selling na mga aklat sa personal finance na isinulat para sa mga Pilipino.

Ang two-hour free seminar ay idinisenyo para tulungan ang mga dadalo na simulan ang kanilang financial wellness journey sa pamamagitan ng “5 Easy Steps for Investing”. Ito ay gaganapin sa ika-29 ng Marso, 2014 (Sabado) mula 10:00 AM hanggang 12:00 ng tanghali sa Francisco Santiago Hall, BDO Corporate Center, 7899 Makati Avenue, Makati City.

 

Show comments