MANILA, Philippines – Hinamon ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma ang dalawang nasibak na deputy directors ng National Bureau of Investigation (NBI) na maghain ng kaso laban sa mga tingin nilang opisyal ng gobyerno na nakinabang sa pork barrel scam na pinangunahan umano ni Janet Lim-Napoles.
Sinabi ni Coloma ngayong Huwebes na kailangang magpakita ng ebidensya sina NBI deputy directors Ruel Lasala at Reynaldo Esmeralda upang masuporthan ang kanilang mga sinasabi.
“Siguro po mas mainam kung meron talaga silang kongkretong pinanghahawakan sa halip na magsalaysay ng maraming kuwento. Maghain na lamang sila ng kaso kung meron talaga silang pinanghahawakan,†wika ni Coloma.
Nagpakita ng closed-circuit television footage si Lasala kung saan binisita ni Napoles si NBI Director Nonnatus Rojas sa opisina nitong nakaraang taon.
Sinabi pa ni Esmeralda na nakipagpulong din si Napoles sa dalawang opisyal ng NBI na malapit kay Justice Secretary Leila De Lima sa isang five-star hotel.