Turismo sa Puerto Prinsesa nag-boom

MANILA, Philippines - Sa loob lamang ng pitong buwang panunungkulan ni Puerto Prinsesa Mayor Lucilo Bayron ay nakamit na ng lungsod ang pagiging ‘tourism boom’ nito.

Ayon kay Mayor Bayron, ang rekord sa kanilang tourism office ang makapagsasabi na ngayon lamang nakamit ng Puerto Prinsesa ang pagiging ‘tourism boom’ na hindi nangyari sa loob ng 20 taon.

Sinabi ng Alkalde, nasa 367,001 na mga dayuhang turista ang nagtungo sa Puerto Prinsesa mula lamang nitong July 2013 hanggang Enero ng 2014 kumpara sa 355,805 turista noong July 2012 hanggang Enero 2013 o mas mataas ng 11,196.

Tiniyak naman ni Bayron na paiigtingin pa niya ang pagtiyak ng seguridad at kaayusan sa lungsod para patuloy na dagsain ng mga turista ang kanilang lugar makaraang itanggi mismo MIMAROPA Police Regional Director, Gen. Melito Mabilin ang napaulat na pagtaas ng kriminalidad sa Puerto Prinsesa.

 

Show comments