Tahong mula Pangasinan, Bataan, Zamboanga del Sur, bawal kainin

MANILA, Philippines - Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain  sa mga shellfish tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa ilang bahagi ng Pangasinan, Bataan at Zamboanga del Sur.

Ito ayon sa BFAR ay dahil nananatiling mataas ang toxicity level ng lason ng red tide na taglay ng mga shellfish mula sa nabanggit na mga lugar.

Kabilang sa bawal hanguin, ibenta at kainin ang shellfish mula sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Bataan coastal waters sa mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal gayundin sa Bolinao at Anda sa Pangasinan.

Bawal ding kainin ang alamang mula sa nabanggit na lugar. Ang mga isda namang makukuha rito ay maaaring kainin pero kailangang linising mabuti at alisan ng hasang at bituka bago lutuin.

 

Show comments