Ban sa mga OFWs inalis na Alert level sa Bangkok, ibinaba na

MANILA, Philippines - Dahil sa gumagandang sitwasyon sa Thailand, ibinaba na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert level sa Bangkok para sa seguridad ng libu-libong Pinoy sa nasabing bansa.

Ayon sa DFA, matapos na ma-lift o alisin ng Thai government ang ipinatupad na “state of emergency” sa Bangkok at sa iba pang nakapaligid na mga lugar noong Marso 19, 2014, iniutos kahapon ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na ibaba ang crisis alert level 2 sa level 1.

Sa ilalim ng alert level 1, ang mga Pinoy sa Bangkok at sa iba pang mga lugar sa Nonthaburi province, Lad Lum Kaew District ng Pathumthani province at Bang Phli District ng Samutprakan province ay inaabisuhan na mag-ingat at panatilihing maging mapagmasid sa paligid.

Sa nasabi ring antas ng alerto, ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay pinapayagan nang tumungo at magtrabaho sa Thailand.

 

Show comments